Sa mga NINONG AT NINANG ng anak ko ๐
Hindi nyo kailangan mag tago. You can stay connected. May aguinaldo o wala.
Sasalubungin kayo ng anak ko ng hindi naka abang ang palad. Kundi naka akmang pag yakap.
Mag mamano sya kahit walang pakimkim. Kailangan nya kayo makita at makilala.
Kayo ang pangalawang magulang nya. hindi namin kayo oobligahin ng material na bagay, kundi lamang ay ang inyong pag subaybay.
Sa mga araw na bigla kaming mawala at kailangan nya ng karamay, Doon kakailanganin ang taos pusong pag gabay.
Sa mga panahon na hindi nya kami mahihingian, nais naming kayo ang kanyang tatakbuhan. ๐
Pinili nmin kayo, hindi para sa aguinaldo kada pasko kundi alam namin na karapat dapat kayo๐
Ps.
Sa panahon ngayon na may pandemya at maraming sakuna maraming nawalan ng trabaho, pera at pamilya ang kasama kami sa inyong mga dasal ay sapat na. ๐
KAYA MGA MARE AT PARE,CHILL LANG! ๐
HINDI NYO KAILANGANG MAG TAGO.๐
KAYO MISMO AY ISANG BUHAY NA REGALO.❤
#staysafeeveryone
#stayhealthy
#Loveforchristmas
Comments
Post a Comment