Mga salitang huling ibinigkas Salitang pinanghugutan ng lakas Ang gatilyo na walang alinlangang inilabas At sa apat na putok, may dalawang buhay ang biglaang nagwakas. Hustisya ang sigaw ng lahat Panghabang buhay na pagkakakulong ay tila hindi sapat Mata sa mata, ngipin sa ngipin Kung anong kinuha sya ring dapat bawiin. Death penalty ang dapat ipataw Para sa dalawang buhay ng walang awang inagaw Dapat na tayong magising sa reyalidad Ang tatsulok ay sabay sabay nating ibaliktad. #RIP #JUSTICE (c) Bernadette Manayon