Mga salitang huling ibinigkas
Salitang pinanghugutan ng lakas
Ang gatilyo na walang alinlangang inilabas
At sa apat na putok, may dalawang buhay ang biglaang nagwakas.
Hustisya ang sigaw ng lahat 
Panghabang buhay na pagkakakulong ay tila hindi sapat 
Mata sa mata, ngipin sa ngipin
Kung anong kinuha sya ring dapat bawiin.
Death penalty ang dapat ipataw
Para sa dalawang buhay ng walang awang inagaw 
Dapat na tayong magising sa reyalidad
Ang tatsulok ay sabay sabay nating ibaliktad.
#RIP
#JUSTICE 
(c) Bernadette Manayon
 
  
Comments
Post a Comment