Skip to main content

HINDI IKAW by Jerome Lois Esguerra

Hindi baril mo ang makapagliligtas sa akin
Posas mong tangan sa'yo mo rapat gamitin
Naturingang bantay kapayapaan ngunit naging alagad ng dilim
Kapag kayo na ang kriminal, sino nga ba ang nararapat tawagin?

Hindi presensya mo ang aking kaligtasan
Madalas nga'y natatakot ako kapag ikaw ay nariyan
May kakikilala pa nga akong walang kasalanan ngunit binalitang nanlaban
Tanong ko'y paano manlalaban ang walang kalaban-laban?

Hindi uniporme mo ang dapat tingalain
Dahil unang-una ay alam mo rapat kung paano 'yan suotin
Hindi iyan prebilehiyo na ipagmamalaki matapos abusuhin
May responsibilad ka sa bayang nagbibigay sa iyo ng makakain

Uulitin ko, hindi baril mo ang makapagliligtas sa akin
Lalo na't hindi mo alam kung paano at para saan ba dapat gamitin
Hindi presensya mo ang aking kaligtasan
Lalo na't hindi mo nalalaman kung sino ba ang nararapat protektahan
Hindi uniporme mo ang nararapat tingalain
Lalo na't isang kunwaring inosenteng pagyuko lang din ang iyong gagawin matapos kang may patayin

Nagsalita ako kahit hindi ako ang nakaranas
Hindi ito pakikisawsaw, isa itong liham kung sakaling hindi na rin ako abutin pa ng bukas
May mas malalang sakit ang bansa kaysa kumakalat na sakit na walang lunas
Kung hindi ito magagamot, kawawa ka naman Pilipinas.

-BATMANunulat

#StopTheKillingsPH

Comments

Popular posts from this blog

Love Watching You 💝

Who can resist a sleeping baby? As our children get older, and we get older the joy we get from watching them sleep is something that doesn’t change. Whether your child is an infant or a teenager, there is great comfort to be found in watching them sleep. No matter what their age, they will always be our babies. There are few things as gratifying and heart-warming as watching your child sleeping peacefully, lost in their own little world of dreams, with no cares or worries. As they sleep safely in a cocoon of warmth and love. Watching our children sleep is one of the greatest rewards of motherhood, and a sign of a job well done. 💝

Who are the real Robbers? 🍂

During a robbery in America, the bank robber shouted to everyone in the bank: "Don't move. The money belongs to the State. Your life belongs to you." Everyone in the bank laid down quietly. This is called the "Mind Changing Concept." Changing the conventional way of thinking. When the bank robbers returned home, the younger robber (MBA-trained) told the older robber (who has only completed Year 6 in primary school): "Big brother, let's count how much we got." The older robber rebutted and said: "You are very stupid. There is so much money it will take a long time to count. Tonight, the TV news will tell us how much we robbed from the bank." This is called "Experience.” Nowadays, the experience is more important than paper qualifications! After the robbers had left, the bank manager told the bank supervisor to call the police quickly. But the supervisor said to him: "Wait! Let us take out $10 million from the bank for ourselves a...

MY FATHER IS A POLICEMAN

Mga salitang huling ibinigkas Salitang pinanghugutan ng lakas Ang gatilyo na walang alinlangang inilabas At sa apat na putok, may dalawang buhay ang biglaang nagwakas. Hustisya ang sigaw ng lahat  Panghabang buhay na pagkakakulong ay tila hindi sapat  Mata sa mata, ngipin sa ngipin Kung anong kinuha sya ring dapat bawiin. Death penalty ang dapat ipataw Para sa dalawang buhay ng walang awang inagaw  Dapat na tayong magising sa reyalidad Ang tatsulok ay sabay sabay nating ibaliktad. #RIP #JUSTICE  (c) Bernadette Manayon