"Kaya ko pa", pero kalakip nito'y ang mga bigat na dala.
Mga kuwentong hindi naibabahagi sa iba.
Pati ang sariling pilit na isinasalba—
Ang totoo, pagod ka na.
"Ang para sa akin ay para sa akin".
Sinasabi mo lang ito upang gumaan ang iyong damdamin,
Ngunit sa likod nito'y ang pusong pagod nang umasa—
Dahil sa mga paulit-ulit na pagkabigo't pambabalewala.
"Susubukan ko na lang ulit",
Pero kung kaya lang aminin ang sakit.
Ang ibig talagang sabihin—
Hindi ko na alam kung paano pa sisimulan.
"Ayos lang", subalit ang ibig mo talagang sabihin ay gusto ko nang sumuko,
Na dinudurog ka ng mundo,
At nakakaubos ang pamantayan ng tao—
Ang totoo, gusto mo na lang maglaho.
Siguro,
Mauunawaan mo lang—
Kapag pareho na tayo ng nararamdaman.
Comments
Post a Comment