Hindi baril mo ang makapagliligtas sa akin Posas mong tangan sa'yo mo rapat gamitin Naturingang bantay kapayapaan ngunit naging alagad ng dilim Kapag kayo na ang kriminal, sino nga ba ang nararapat tawagin? Hindi presensya mo ang aking kaligtasan Madalas nga'y natatakot ako kapag ikaw ay nariyan May kakikilala pa nga akong walang kasalanan ngunit binalitang nanlaban Tanong ko'y paano manlalaban ang walang kalaban-laban? Hindi uniporme mo ang dapat tingalain Dahil unang-una ay alam mo rapat kung paano 'yan suotin Hindi iyan prebilehiyo na ipagmamalaki matapos abusuhin May responsibilad ka sa bayang nagbibigay sa iyo ng makakain Uulitin ko, hindi baril mo ang makapagliligtas sa akin Lalo na't hindi mo alam kung paano at para saan ba dapat gamitin Hindi presensya mo ang aking kaligtasan Lalo na't hindi mo nalalaman kung sino ba ang nararapat protektahan Hindi uniporme mo ang nararapat tingalain Lalo na't isang kunwaring inosenteng pagyuko lang din ang iyong gag...